Tuesday, March 20, 2012

WTF!

I can't believe it! Pwede ako ma-FA sa PE! dumating yung midterm grade ko nung thursday tapos may absent ako ng 2, eh wala naman akong absent nun nor late. Eh nag-absent pa naman ako ng isa nung mag-ffinals. Napa-isip tuloy ako kung anong ginawa namin nung midterms. Eh, lagi naman siya wala nun, laging cancelled ang class. HAYY! Kabado talaga ko, pag na-FA ako hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko na ulitin yung kahihiyang ginagawa ko pag Futsal. Naka ilang text na ko sa kanya, ni-isang reply wala. Simula nung monday pumupunta ko ng PE dept. nagbabakasakaling dumating siya. Halos kilala na nga ko ng mga Kuya at Ate dun dahil lagi ko syang hinahanap. (Grabe para pala kong nanliligaw sa ginagawa ko)
Buti nalang may mabuting kaluluwa akong kasama kanina na si Christine Joyce Amora. Sinabihan niya kong gumawa nalang ng letter para kay Ms. Ayun, nabigay ko naman pero sa table lang niya, hindi ko lang alam kung kailan niya mababasa.
Nako. Hindi ko kakayanin pag nagrepeat ako. Baka kung anung magawa ko. Lalo tuloy ako nabigyan ng dahilan na mag-stop nalang sa school. :(





*Over and out

No comments:

Post a Comment